A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   A   »   Abra Lyrics   »   Bolang Kristal Lyrics

Abra - Bolang Kristal Lyrics

Font:      
Align:    
  • Verse 1:
  • Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang
  • Kapalaran ni Dante kung sakali lang
  • Na malulong sa pag inom ng ALAK
  • Di alam na papunta sa patibong ang tapak.
  • Mapapahamak, walang pake.
  • Inuman na agad ng hapon hanggang gabe.
  • Hanggang abutin ng umaga, nakatulala na
  • Walang maalala, parang dumaan sa
  • Gubat ang itsura, hininga amoy suka.
  • Suka sa sahig at laway sa bibig natuyo na
  • Puro alak lang ang madalas kasama
  • Bakit nga ba to mali kung malakas ang tama
  • Lasing na lasing, nakaaway ang nobya
  • Sa gulong ng kapalaran nina vodka
  • Naiwan na wala man lang na halik at yakap
  • Di alam ang gagawin kundi balik sa alak
  • Hanggang sa isang gabi, natagpuan
  • Galing sa inuman at nag lalakad sa ulan
  • Nakapikit at walang imik pauwi na
  • Ng bigla na lamang nakarinig ng busina
  • May kotse na biglang pabangga na sa kanya
  • Di napansin nasa gitna ng kalsada pala sya
  • Hindi na nagawang, umiwas sapagkat
  • Namalayan lang ni Dante nung huli na ang lahat.
  • Chorus:
  • Ang bawat kilos may kahihinatnan
  • Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan.
  • Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan
  • Kung hawak mo naman ang palad mo
  • Ano naman kailangan mo sa Bolang Kristal.
  • Verse 2:
  • Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang
  • Kapalaran ni Dante kung sakali lang
  • Na malulong at maakit sa DROGA
  • Na ipinagbabawal na adik ng sobra.
  • Nag simula sa alok ng kaibigan
  • Napatikim at ng sabog, nakangiti lang.
  • Nakahiligan dating pangangapa lang
  • Ang laging pang-aliw naging pangangailangan.
  • Ano pa nga ba? Wala ngang namimilit
  • Kailangan ng tama, para sa tamang pag iisip
  • Para matahimik, para makahirit
  • Parang nabubuhay sa magandang panaginip
  • Hanggang sa naging bula ang pera.
  • Nawala na lang kaya nagsimula magbenta.
  • Naging taga tulak ng mga tampalasan,
  • Desisyon na wala ng atrasan.
  • Isang gabi, na nagkabilangan.
  • Na ka-tropa nya sa droga na walang iwanan
  • Nakatulog, at magising ay naisahan
  • Wala ng droga at pera at ang napagbintangan
  • Ay sya lang, nalaman at nagalit ang amo
  • Sapagkat, walang natira na kahit na magkano
  • Di masukat ang bigat ng pighating nadama
  • Nasisante si Dante at binaril sa panga.
  • Chorus:
  • Ang bawat kilos may kahihinatnan
  • Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan.
  • Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan
  • Kung hawak mo naman ang palad mo
  • Ano naman ang kailangan mo sa Bolang Kristal.
  • Verse 3:
  • Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang
  • Kapalaran ni Dante kung sakali lang
  • Na malulong ng masyado sa SUGAL
  • Bakit nga naman makikipag-talo pa tutal.
  • Naglalaro at kumikita. Imposible ba?
  • Dito mabilis ang kita tipong triple pa.
  • Larong baraha, sabong, jueteng at karera
  • Pag swerte aba syempre pwedeng magkapera
  • Isang araw, pumasok mag-isa sa casino
  • Tinaya ang natitirang limang daang piso
  • Paraiso, na naging isang daang libo
  • Mula noon halos nanirahan na dito
  • Ng biglang bumaliktad ang ngiti sa mga labi
  • Ubos ang salapi at hindi na makabawi
  • Pero sabi sabi lang madali tong bawian
  • Bumawi sa casino, Kasinungalingan!
  • Umutang pa ng pang gasta sa maton
  • Puro pusta panay patalo hanggang sa mabaon
  • Parang nahigop ang lahat ng malakas na buhawi
  • Isang gabi nasa bubong na mataas na gusali
  • Madalas ang ugali palabag kapag gipit
  • Pero sa ngayon naka-tanga at naka-pikit
  • Kawawang Dante tapak sa gilid sabay hakbang
  • Sa dami ng problema, nagpakamatay na lang.
  • Chorus:
  • Ang bawat kilos may kahihinatnan
  • Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan.
  • Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan
  • Kung hawak mo naman ang palad mo
  • Ano naman ang kailangan mo sa Bolang Kristal.
  • *Repeat Chorus

  • Report error in lyric




    The Bolang Kristal lyrics by Abra is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2017 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Abra Bolang Kristal Lyrics