A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   A   »   Abra Lyrics   »   Diwata Lyrics

Abra - Diwata Lyrics

Font:      
Align:    
  • Chorus:
  • Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
  • Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
  • Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
  • 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata
  • (Aking diwata)
  • Ikaw ang pinakamaganda
  • Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata
  • (Aking diwata)
  • Tamang hinala, di makapaniwala
  • Na nakita na ang pinakamakinang na tala
  • (Talagang hiwaga)
  • Walang katapat
  • Bagama’t pinagbawalan
  • Ipaglalaban ka sapagka’t
  • Ikaw lang ang minamahal ko
  • Oh aking diwata
  • Verse 1:
  • Naaalala ko pa n’ung una ka masilayan, nanghihinayang
  • Gustung-gusto kita kausapin,
  • Makilala, subalit may kaba
  • Kaya nahihiya lang
  • Sinayang, ang nakatakdang tadhana
  • Karapat-dapat ba na magkandarapa
  • Sa isang prinsesa na may delikadesa
  • Kesa sa gano’n baka game ka maging reyna
  • Date tayo, oo, ikaw at ako
  • Liparin natin ang iba’t-ibang parte ng mundo
  • Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay
  • Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay
  • Kung sabagay, karangalan kong alagaan
  • At pahalagahan ang natural mong kagandahan
  • Aminin ko man o hindi
  • Kapag nasa paligid ay pasimple na nangingiti
  • Sana kako tamaan
  • Chorus:
  • Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
  • Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
  • Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
  • 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata
  • (Aking diwata)
  • Ikaw ang pinakamaganda
  • Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata
  • (Aking diwata)
  • Tamang hinala, di makapaniwala
  • Na nakita na ang pinakamakinang na tala
  • (Talagang hiwaga)
  • Walang katapat
  • Bagama’t pinagbawalan
  • Ipaglalaban ka sapagka’t
  • Ikaw lang ang minamahal ko
  • Oh aking diwata
  • Verse 2:
  • Hanggang sa nagkakilala muli
  • At unti-unti nakikilala, munti
  • Pang tumitiklop na parang makahiya
  • Naglakas loob ah, d’yan sa kaliwa
  • Ang daming pumipila, daig pa’ng MRT
  • Pero diba’t sa pag-ibig mas kabit ‘pag less than three
  • Anong sagot, p’ede mo ‘kong tanungin
  • May tanong ako sa’yo, p’ede mo bang sagutin
  • Sana oo na lang din
  • Susubukang abutin
  • Panaginip lang kita, kaya susubuking antukin
  • Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin
  • Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin
  • Ikaw ang aking laging nais na makapiling
  • Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling
  • Binibining napakaganda at wagas
  • Walang wakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap nang mataas
  • Chorus:
  • Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
  • Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
  • Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
  • 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata
  • Verse 3 (Chito Miranda):
  • N’ung nakita ko s’ya, ‘di makapaniwala
  • Sa taglay n’yang ganda, tinamaan din ako
  • Teka bakit ganito, ba’t napaparap ako
  • ‘Di ba sabi ko sa’yo, ‘wag mo na akong isama
  • Para ‘kong nasilaw sa kasama mong diwata
  • Ngayon alam ko na kung ba’t nasisiraan ka nang ulo
  • Napapakanta ka na lang na parang ganito
  • Chorus:
  • Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
  • Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
  • Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
  • 'Pagka’t ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata
  • (Aking diwata)
  • Ikaw ang pinakamaganda
  • Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata
  • (Aking diwata)
  • Tamang hinala, ‘di makapaniwala
  • Na nakita na ang pinakamakinang na tala
  • (Talagang hiwaga)
  • Walang katapat
  • Bagama’t pinagbawalan
  • Ipaglalaban ka sapagka’t
  • Ikaw lang ang minamahal ko
  • Oh aking diwata

  • Report error in lyric




    The Diwata lyrics by Abra is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2017 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Abra Diwata Lyrics