A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   A   »   Abra Lyrics   »   Ilusyon Lyrics

Abra - Ilusyon Lyrics

Font:      
Align:    
  • [Chorus]
  • Nasan na ba ang pagbabago (San?)
  • Wala pa rin pala
  • Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
  • Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon
  • Nakikipagplastikan pa
  • Bahala na kayo sa buhay nyo basta
  • Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
  • Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
  • Wag nyo kong gagawing tanga
  • [Verse 1]
  • Ilang dekada na ba? Nakapagtataka na
  • Wala pa ring pagbabago nang pagkatagal na
  • Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa
  • Pagtakpan ang matagal nang halatang halata
  • Palakihan ng lote, paramihan ng kotse
  • Para 'di mangamote, bayanihan ng konti
  • Matapobre, talagang plastikan ang forte
  • Natutulog sa pansitan ang sandigan ng korte
  • Sakit sa lipunan, kayo ang ebidensya
  • (Sakit?) Oo pero ngayon ay epidemya
  • At sa Pilipinas ang mga elektibo
  • Ang nagpapakabibo at hindi epektibo
  • Puro salita, pero ni wala man lang pruweba
  • Magpapakapropeta para walang protesta
  • Sa nakaraang problema ano ang solusyon?
  • Kung lahat ng nakikita ko, isang ilusyon
  • [Chorus]
  • Nasan na ba ang pagbabago (San?)
  • Wala pa rin pala
  • Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
  • Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon
  • Nakikipagplastikan pa
  • Bahala na kayo sa buhay nyo basta
  • Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
  • Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
  • Wag nyo kong gagawing tanga
  • [Verse 2]
  • Walang nakaisip ng nasa palagid
  • Mabaho, madumi at kadalasan mainit
  • Tambakan ng basura kahit na saang gilid
  • Ang trapik! Para bang kada kalsada makitid
  • Laganap na kotongan, sus Maria!
  • Mga driver tingin sa kanilang bus, tamiya
  • Bayarang kababaihan para *****s makita
  • Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita
  • Kapag umulan wag susubukan bumiyahe
  • Madalas ang pagbahang may lumulutang na tae
  • Sandamukal na problema pupuhunan daw sabi
  • Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari
  • Ngayon sabihin niyo kung nasan diyan ang pagbabago
  • Baka nakasalamin akong pagkataas ng grado
  • Kasalukuyang problema ano ang solusyon?
  • Kung lahat ng nakikita ko, isang ilusyon
  • [Chorus]
  • Nasan na ba ang pagbabago (San?)
  • Wala pa rin pala
  • Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
  • Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon
  • Nakikipagplastikan pa
  • Bahala na kayo sa buhay nyo basta
  • Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
  • Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
  • Wag nyo kong gagawing tanga
  • [Verse 3]
  • Marami mga kababayang habang buhay nang pagod
  • Pagkat hanap nang hanap ng hanapbuhay sa abroad
  • Iiwan ang pamilya para ang tagumpay maabot
  • Nakakumay ang sagot kaya ako ay nayamot
  • Di kayo makapagbigay ng mga trabaho
  • Kaya di dapat kinailangan na mangako
  • San ang pagbabago?
  • Taray naman, imbis na magbagong buhay, bagong bahay na lang
  • Habang maraming nagugutom at walang matirhan
  • At abot-kaya na gamot wala man lang mabilhan
  • Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan
  • Kayo ang boses ng taong di nyo kayang pakinggan
  • Magandang kinabukasan na orasan ko yon
  • Di ba dapat ngayon ang kinabukan noon?
  • Kinabukasan na problema ano ang solusyon?
  • Kung ang lahat ng nakikita ko, isang ilusyon?
  • [Chorus]
  • Nasan na ba ang pagbabago (San?)
  • Wala pa rin pala
  • Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
  • Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon
  • Nakikipagplastikan pa
  • Bahala na kayo sa buhay nyo basta
  • Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
  • Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
  • Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
  • Wag na wag, wag na wag!

  • Report error in lyric






    Embed Abra-Ilusyon to your site.

    Latest Abra Lyrics

    The Ilusyon lyrics by Abra is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2017 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Abra Ilusyon Lyrics