A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   G   »   Gary Granada Lyrics   »   Minsa'y Isang Bansa Lyrics

Gary Granada - Minsa'y Isang Bansa Lyrics

Font:      
Align:    
  • Minsa'y isang bansa ang nangangarap
  • Nangarap sa gitna ng karimlan
  • Makapagpahinga nawa sa hirap
  • At makawala sa kawalan
  • Bayang nababalot ng hiwaga
  • Hindi ka ba namamangha
  • Lupa na sagana't pinagpala
  • Bakit naglipana ang dukha
  • Minsa'y isang bansang nakipaglaban
  • Nag-alay ng kanyang mga anak
  • Hangad ang magandang kinabukasang
  • Tinatamasa ng lahat
  • Ano nga ba'ng saysay ng Pugad Lawin
  • Kung ang madla'y aba't mangmang
  • Ang EDSA ba ay may ibig sabihin
  • Sa mga tiyang kumakalam
  • Minsa'y isang bansang nagbayanihan
  • Upang iahon ang munting dampa
  • Subali't sa halip na kabutihan
  • Sa tiwali't digma muling nasalanta
  • Ako'y nakikiusap sa may kaya
  • Sa abot ng inyong kakayanan
  • Ipalaganap ang hustisya
  • At kalingahin ang sambayanan
  • Minsa'y isang bansa ang nagsisikap
  • Na samantalahin ang panahon
  • Minsa'y isang bansa ang nangangarap
  • Na sana'y mahalin mo na ngayon

  • Report error in lyric




    Latest Gary Granada Lyrics

    The Minsa'y Isang Bansa lyrics by Gary Granada is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2018 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Gary Granada Minsa'y Isang Bansa Lyrics