A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   G   »   Gloc-9 Lyrics   »   Lando Lyrics

Gloc-9 - Lando Lyrics

Font:      
Align:    
  • [Chorus:]
  • (FRANCIS M.)
  • Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
  • Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim
  • Di ka hahayaan na muli pang masaktan
  • Wag ka nang matakot sa dilim
  • (GLOC 9)
  • Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
  • Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
  • At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
  • Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
  • Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
  • Sinunog ng araw ang kulay ng balat at
  • Marami ng galon ng pawis ang kanyan naidilig sa lupa
  • Upang ang gutom ay di masuklian pa ng luha
  • Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
  • Ngunit kabilang sa pamilya na di alintana makikipag-kapwa
  • Tao sa mga tulad niyang dukha
  • Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig
  • [Repeat Chorus]
  • (GLOC 9)
  • Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
  • Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
  • Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
  • Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
  • Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
  • Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
  • Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
  • Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa
  • Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
  • At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
  • Bakit po bakit po ang laging lumalabas
  • Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas
  • Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
  • Siguro nga di ko na kilala aking sarili
  • Pangala'y taong grasa may patalim na gamit
  • At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
  • At ang sabi...
  • [Repeat Chorus]
  • Wag ka nang matakot sa dilim...

  • Report error in lyric




    The Lando lyrics by Gloc-9 is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2021 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Gloc-9 Lando Lyrics