A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   G   »   Gloc-9 Lyrics   »   Upuan Lyrics

Gloc-9 - Upuan Lyrics

Font:      
Align:    
  • (Chant)
  • Kayo po na naka upo,
  • Subukan nyo namang tumayo
  • At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
  • Ang tunay na kalagayan ko
  • Ganito kasi yan eh...
  • Verse 1:
  • Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
  • Malaking bahay at malawak na bakuran
  • Mataas na pader pinapaligiran
  • At naka pilang mga mamahaling sasakyan
  • Mga Patay na laging bulong ng bulong
  • Wala namang kasal pero marami ang naka barong
  • Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
  • Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
  • At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
  • At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
  • Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
  • Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
  • Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
  • Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
  • Kaya naman hindi niya pinakakawalan
  • Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
  • Chorus:
  • Kayo po na naka upo,
  • Subukan nyo namang tumayo,
  • At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
  • Ang tunay na kalagayan ko
  • Verse 2:
  • Mawalang galang na po
  • Sa taong naka upo,
  • Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
  • Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
  • Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
  • Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
  • Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
  • Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
  • Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
  • Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
  • Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
  • Pero kulang na kulang parin,
  • Ulam na tuyo't asin
  • Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
  • Di ko alam kung talagang maraming harang
  • O mataas lang ang bakod
  • O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
  • Kahit sa dami ng pera niyo
  • Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
  • Kaya...
  • Wag kang masyadong halata
  • Bato-bato sa langit
  • Ang matamaa'y wag magalit
  • O bato-bato bato sa langit
  • Ang matamaan ay
  • Wag masyadong halata (ooh)
  • Wag kang masyadong halata
  • Hehey, (Wag kang masyadong halata)
  • (Wag kang masyadong halata)
  • (Chant)

  • Report error in lyric




    The Upuan lyrics by Gloc-9 is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2021 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Gloc-9 Upuan Lyrics