A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   G   »   Gloc-9 Lyrics   »   Walang Natira Lyrics

Gloc-9 - Walang Natira Lyrics

Font:      
Align:    
  • [Sheng Belmonte]
  • Napakaraming guro dito sa amin ngunit
  • Bakit tila walang natira
  • Napakaraming nurse dito sa amin
  • Ngunit bakit tila walang natira
  • Nagaabroad sila
  • (Gusto kong yumaman4x)
  • Nagaabroad sila
  • (Gusto kong yumaman4x)
  • Nagaabroad sila
  • [Gloc-9]
  • Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas
  • Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
  • Nauubusan ng batas parang inamag na bigas
  • Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
  • Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
  • Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas
  • Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
  • Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas
  • Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
  • Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
  • Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri
  • Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
  • Ng anak na halos di nakilala ang ama
  • O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
  • Dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba
  • Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
  • [Sheng Belmonte]
  • Napakaraming inhinyero dito sa amin
  • Ngunit bakit tila walang natira
  • Napakaraming karpintero dito sa amin
  • Ngunit bakit tila walang natira
  • Nagaabroad sila
  • (Gusto kong yumaman4x)
  • Nagaabroad sila
  • (Gusto kong yumaman4x)
  • Nagaabroad sila
  • [Gloc-9]
  • Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
  • Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
  • Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
  • Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
  • Nasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
  • Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
  • Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
  • O barko kahit saan man papunta.
  • Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
  • Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
  • Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
  • Lilisanin ang pamilya aamo kahit na sino
  • Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
  • Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
  • Darating kaya ang araw na itoy magiiba
  • Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
  • [Sheng Belmonte
  • Napakaraming kasambahay dito sa amin
  • Ngunit bakit tila walang natira
  • Napakaraming labandera dito sa amin
  • Ngunit bakit tila walang natira
  • Nagaabroad sila
  • (Gusto kong yumaman4x)
  • Nagaabroad sila
  • (Gusto kong yumaman4x)
  • Nagaabroad sila
  • [Gloc-9]
  • Subukan mong isipin kung gaano kabigat
  • Ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
  • Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila
  • Lalayo upang magalaga ng anak ng iba
  • Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
  • Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo
  • Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to
  • Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko
  • [Sheng Belmonte
  • Napakaraming guro dito sa amin
  • Ngunit bakit tila walang natira
  • Napakaraming nurse dito sa amin
  • Ngunit bakit tila walang natira
  • Nagaabroad sila
  • (Gusto kong yumaman4x)
  • Nagaabroad sila
  • (Gusto kong yumaman4x)
  • Napakaraming tama dito sa atin...
  • Ngunit bakit tila walang natira...

  • Report error in lyric




    The Walang Natira lyrics by Gloc-9 is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2021 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Gloc-9 Walang Natira Lyrics