A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   K   »   Kuh Ledesma Lyrics   »   Sino Ang Baliw Lyrics

Kuh Ledesma - Sino Ang Baliw Lyrics

Font:      
Align:    
  • Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
  • May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
  • Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman
  • Sinasambit ng baliw awit na walang laman
  • Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal
  • May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
  • Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman
  • Sinong dakila
  • Sino ang tunay na baliw
  • Sinong mapalad
  • Sinong tumatawag ng habag
  • Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos
  • Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
  • Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
  • May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
  • Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat
  • Sinong dakila
  • Sino ang tunay na baliw
  • Sinong mapalad
  • Sinong tumatawag ng habag
  • Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos
  • Ooh.....Ahh.......
  • Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw
  • Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw
  • Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
  • Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal
  • Sinong dakila
  • Sino ang tunay na baliw
  • Sinong mapalad
  • Sinong tumatawag ng habag
  • Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos
  • Kaya't sino, sino, sino nga
  • Sino nga ba
  • Sino nga ba
  • Sino nga ba ang tunay na baliw

  • Report error in lyric




    The Sino Ang Baliw lyrics by Kuh Ledesma is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2021 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Kuh Ledesma Sino Ang Baliw Lyrics