A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   L   »   Loonie Lyrics   »   Balewala Lyrics

Loonie - Balewala Lyrics

Font:      
Align:    
  • Verse I:
  • Sa mundong mapanghusga mapangmata at mapanuri
  • Dapat hindi ka basta basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri
  • Lalong lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri
  • Sabi sabi sakin "bathala" matapang ka pala
  • Pusong leon kaya dibdib mo ay walang daga
  • Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang
  • Samantala ang kapalaran ay sa mga tala nakatala ?
  • Kaya pala parang "tamad" ng mag aral walang kadala dala
  • Walang pang baon
  • Pero kahapon pa ako handa
  • Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka
  • Inakyat ang kabundukan at maghapong nag-gala
  • Inabutan ng dilim muntikan nakong mawala
  • Sa sarili ko pag gapang ko wala kong makapa
  • Nasa dulo na, pala ng bangin wala ng kawala
  • Tumalon na lang kaya ako kakayanin ko kaya ?
  • Kaya ako ay napadasal sabay salto padapa
  • Bahala na si batman yan ang saktong kataga
  • Tsaka na ko gagawa ng mga pakpak ko pababa!
  • Chorus:
  • Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
  • Lumaban
  • Nakipaglaro ng apoy at
  • Patintero kay kamatayan
  • Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
  • Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
  • Ay yayakapin ko!
  • Refrain I:
  • Andami talagang nais manira ng pangalan
  • Ngunit ang karamihan at takot tumira ng harapan
  • Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban
  • Ngingitian ko na lamang at..
  • "Yayakapin ko"
  • Kahit ga'no, kapait ng naranasan
  • Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
  • Walang awang tadhana ay tatawanan
  • Kahit gano kasama ng kapalaran
  • "Yayakapin ko"
  • Verse II:
  • Sabi sakin ni santanas:
  • "Mayabang ka pala"
  • Tuturuan kita kung paano magpakumbaba
  • Di kana maiisasalba ng mga kanta mong gawa
  • Pano mo to tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla ?
  • Binaba ang dangal nagpakahangal para lang ikaw ay mahalin ng madla
  • Biniyayaan ng katanyagan kaso lang halata na hindi ka handa
  • Kaluluwa kapalit kasikatan yan ang usapang nakatakda
  • Sa kontratang to na may pangalan mo na nakalagda
  • Teka lang wag ka pakasigurado di mo pa ako pag aari
  • Dahil ang titulo ng kaluluwa koy nasakin
  • At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin
  • Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata
  • At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik
  • Balewala ang pagod at sakit basta pag uwi yakap at halik
  • Ng aking asawang malupit at ang dalawang anak kong makulit
  • Para sa kanilang kapakanan gagawin ko lahat anuman kapalit!
  • Chorus:
  • Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
  • "Lumaban"
  • Nakipaglaro ng apoy at
  • Patintero kay kamatayan
  • Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
  • Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
  • Ay yayakapin ko!
  • Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!
  • Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko!
  • Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!
  • Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin
  • Ay tila balewala
  • Verse III:
  • Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait
  • "Tila balewala"
  • Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano pa kasakit
  • "Tila balewala"
  • Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik
  • "Tila balewala"
  • Sa bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
  • Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pagbalik
  • Tinanggap ang walang kwentang mga hamon
  • Para bilhin si "loonie" binenta ko si "marlon"
  • Matalo man ngayon bukas ang pwesa koy babangon
  • Pangako mas malakas pa ng triple kesa sa kahapon
  • At kung putapete ang kadebate pare di bale nalang
  • Walang pakielam miski hirangin pinakamayabang
  • At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala
  • Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan kaya
  • Chorus:
  • Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
  • "Lumaban"
  • Nakipaglaro ng apoy at
  • Patintero kay kamatayan
  • Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
  • Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
  • Ay yayakapin ko!
  • Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!
  • Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko!
  • Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!
  • Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin
  • Ay tila balewala
  • Refrain II:
  • Andami talagang nais manira ng pangalan
  • Ngunit ang karamihan ay takot tumira ng harapan
  • Pag hindi ko na malaman kung kaibigan ko kalaban
  • Ngingitian ko na lamang
  • Kahit gaano kapait ng naranasan
  • Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
  • Walang awang tadhana ay tatawanan
  • Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay, ay, ay, ay, ay,
  • Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait
  • "Balewala"
  • Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit
  • "Balewala"
  • Aakyatin ko ang pinakaa tuktok kahit gaano pa katarik
  • "Balewala"
  • Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
  • Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik

  • Report error in lyric




    The Balewala lyrics by Loonie is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2020 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Loonie Balewala Lyrics