Welcome!
Login
|
Register
Artist
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
#
Title
Artist
Song title:
Abra - Ilusyon
Edit By:
216.73.217.147
[Chorus] Nasan na ba ang pagbabago (San?) Wala pa rin pala Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon Nakikipagplastikan pa Bahala na kayo sa buhay nyo basta Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga) Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga) Wag nyo kong gagawing tanga [Verse 1] Ilang dekada na ba? Nakapagtataka na Wala pa ring pagbabago nang pagkatagal na Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa Pagtakpan ang matagal nang halatang halata Palakihan ng lote, paramihan ng kotse Para 'di mangamote, bayanihan ng konti Matapobre, talagang plastikan ang forte Natutulog sa pansitan ang sandigan ng korte Sakit sa lipunan, kayo ang ebidensya (Sakit?) Oo pero ngayon ay epidemya At sa Pilipinas ang mga elektibo Ang nagpapakabibo at hindi epektibo Puro salita, pero ni wala man lang pruweba Magpapakapropeta para walang protesta Sa nakaraang problema ano ang solusyon? Kung lahat ng nakikita ko, isang ilusyon [Chorus] Nasan na ba ang pagbabago (San?) Wala pa rin pala Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon Nakikipagplastikan pa Bahala na kayo sa buhay nyo basta Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga) Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga) Wag nyo kong gagawing tanga [Verse 2] Walang nakaisip ng nasa palagid Mabaho, madumi at kadalasan mainit Tambakan ng basura kahit na saang gilid Ang trapik! Para bang kada kalsada makitid Laganap na kotongan, sus Maria! Mga driver tingin sa kanilang bus, tamiya Bayarang kababaihan para boobs makita Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita Kapag umulan wag susubukan bumiyahe Madalas ang pagbahang may lumulutang na tae Sandamukal na problema pupuhunan daw sabi Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari Ngayon sabihin niyo kung nasan diyan ang pagbabago Baka nakasalamin akong pagkataas ng grado Kasalukuyang problema ano ang solusyon? Kung lahat ng nakikita ko, isang ilusyon [Chorus] Nasan na ba ang pagbabago (San?) Wala pa rin pala Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon Nakikipagplastikan pa Bahala na kayo sa buhay nyo basta Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga) Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga) Wag nyo kong gagawing tanga [Verse 3] Marami mga kababayang habang buhay nang pagod Pagkat hanap nang hanap ng hanapbuhay sa abroad Iiwan ang pamilya para ang tagumpay maabot Nakakumay ang sagot kaya ako ay nayamot Di kayo makapagbigay ng mga trabaho Kaya di dapat kinailangan na mangako San ang pagbabago? Taray naman, imbis na magbagong buhay, bagong bahay na lang Habang maraming nagugutom at walang matirhan At abot-kaya na gamot wala man lang mabilhan Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan Kayo ang boses ng taong di nyo kayang pakinggan Magandang kinabukasan na orasan ko yon Di ba dapat ngayon ang kinabukan noon? Kinabukasan na problema ano ang solusyon? Kung ang lahat ng nakikita ko, isang ilusyon? [Chorus] Nasan na ba ang pagbabago (San?) Wala pa rin pala Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon Nakikipagplastikan pa Bahala na kayo sa buhay nyo basta Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga) Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga) Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga) Wag na wag, wag na wag!
All lyrics are property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved |
Privacy policy
|
Blog