Asin - Ang Bayan Kong Sinilangan Lyrics
Ako'y isinilang sa isang bayan ng CotabatoKasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundoDahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo, nagkagulo.Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip koDi alam kung saan nanggaling, di alam kung saan patungoKapatid sa kapatid, laman sa lamanSila-sila ang naglalaban, di ko alam ang dahilan ng gulo.Bakit nagkaganon, ang sagot sa tanong koBakit kayo nag-away, bakit kayo nagkaguloPrinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespetoKung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.Sa bayan kong sinilangan, sa timog CotabatoAko ay namulat sa napakalaking guloDahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa taoKapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo.Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yoKapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan koBakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugoKailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko?Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong pusoGitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin moKung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin moIturing mong isang kaibiganIsipin mong siya'y may puso rin katulad mo.Coda:Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo...)Sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)Ako ay namulat (kailan matatapos...)Sa napakalaking gulo (ang gulo)Dahil walang respeto (kailan magkakasundo...)Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino...)Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)Ang gulo