A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   D   »   Dello Lyrics   »   Araw-araw Lyrics

Dello - Araw-araw Lyrics

Font:      
Align:    
  • Lunes ng umaga papuntang opisina
  • Habang nabibingi sa ingay ng mga busina
  • Sa gitna ng kalye, habang bumibiyahe,
  • Sakto lang ang pera pangkain at pamasahe
  • Tipikal na buhay ng pinoy araw-araw,
  • Kailangan ko itong gawin, di pwedeng ayaw-ayaw
  • Dahil ang bulsa ko ay di pa napapaapaw
  • Sana kahit paano, ako ay makahataw
  • Pursigido’ng umangat, inuunti-unti ko
  • Matipid na iniipon, ultimo sukli ko
  • Bilad na nga sa araw ang pagka-kayumanggi ko,
  • Balat kakulay na ng tuhod ko saka ng siko
  • Pero tuloy sa paglayag, tuloy sa pagsawan,
  • Para ang bulsa saka ang aking tiyan ay malagyan
  • Kahit na ang aking sweldo parang mens lang
  • Tatlong araw lang tinatagal nito kada buwan
  • Tatlong araw lang pala ako nagging maligaya
  • Chorus 1
  • Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi.
  • Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli…
  • Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi.
  • Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli…
  • Pambayad ko sa upa, tubig at kuryente,
  • Sa ngayon tuyo na lang mabibili nung bente
  • Pagkasyahin kung pwede o meron natira
  • I-sigang ko yung tuyo, para medyo maiba
  • Ang pambayad ng matrikula dapat itabi ko na,
  • Sa ganitong estado na mahirap i-manipula.
  • Bawal ba magpahinga?
  • Dapat na gawin ko na
  • Pumasok kahit petsa
  • Sa kalendaryong maging pula
  • Kase ay double pay, ganun pag holiday
  • Kayod kahit mamuti buhok na parang anime
  • Isipin ang ngayon, yung bukas ay saka na,
  • Kung bukas ay lagas, o baka maging sagana kaya sana
  • Medyo mag-iba ang kapalaran
  • Mapanatag ang lubak sa daa’ng nilalakaran
  • Ang buhay ko ay parang libro lamang na sa bawat pahina,
  • Paulit-ulit ang mga larawan
  • Chorus 1
  • Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi.
  • Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli…
  • Araw-araw, paulit-ulit, hanggang sumapit ang gabi.
  • Araw-araw, paulit ulit, bukas ay ganun muli…
  • Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa,
  • Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
  • Bisyo ko na yata ang palagi’ng humiling
  • Mula pagsikat g umaga, hanggang sa dumilim
  • Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa,
  • Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
  • Bisyo ko na yata ang palagi’ng humiling
  • Mula pagsikat g umaga, hanggang sa dumilim
  • Pero pagsapit ng gabi, lumiliwanag nang muli
  • Basta ikaw ang katabi nasisilayan ang ngiti
  • Inaalis mo ang lungkot, ang pagod ko at pighati
  • Pinawi mo ng kay dali kaya...
  • Chorus 2
  • Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na ko'ng paki.
  • Bawat -araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi.

  • Report error in lyric

    The Araw-araw lyrics by Dello is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Dello Araw-araw Lyrics