A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   P   »   Pio Lyrics   »   Himig Ng Pag-ibig (feat.Lolita) Lyrics

Pio - Himig Ng Pag-ibig (feat.Lolita) Lyrics

Font:      
Align:    
  • Eto ang awit ng pag-ibig
  • Ikaw ay makiniig sa tinig
  • Pagmamahalang abot langit
  • Kasing saya ng ibong himihimig
  • Nagmamahalang tunay
  • May buhay na makulay
  • Pangako sa Isa’t isa’y kahit na kailan pa ma’y
  • Hindi na maghihiwalay
  • Refrain 1:
  • Sa pagsapit ng dilim, ako’y maghihintay parin
  • Sa iyong maagang pagdating
  • Pagkat ako’y nababalisa, kung ‘di ka kapiling
  • Bawat sandali mahalaga sa akin
  • Mahal kong sinta, kumusta kana?
  • Ako’y may kaba buhat ng umalis ka
  • Nung isang buwan ay sinulatan kita
  • Ngunit hanggang ngayon ang sagot mo’y
  • Wala pa, nag-aantay ang ating mga anak
  • Kaming lahat ay sabik sayong yakap
  • Mula ng madistino ka sa probinsya
  • ‘di ako mapakali ‘pag wala ka
  • Naaalala mo pa ba ang
  • Masaya natin na nakaraan?
  • ‘di ba’t pangako mo sa akin pagtapos ng laban
  • Kami ay agad mong babalikan
  • Lagi mo nalang pinagtatanggol ang bayan
  • Matapang na humaharap sa digmaan
  • Pagmamahalan ‘wag sanang matabunan
  • Ng mga luha at kalungkutan
  • Sana’y makabalik ka ng ligtas
  • Yan ang laging dalangin sa taas
  • Alam kong may tungkulin ka sa batas
  • At hindi ka pwedeng basta kumalas
  • Gayon pa man aantayin ko parin
  • Ang iynong maagang pagdating
  • Hanggang sa umangat man ang araw
  • At maging sa pagkagat ng dilim
  • Mga bakal may mainit na bala
  • Pagsabog ng mga granada at bomba
  • Yan lag madalas mong makasama
  • Laging dalagangit san man magpunta
  • Ang sula ko sana’y iyong sagutin
  • Upang mabawasan ang kaba sa damdamin
  • Pagmamahal ko ay iyong baunin
  • At dinggin ang aking hiling
  • REFRAIN 2:
  • Tulad ng ibong malaya ang pag – ibig natin
  • Tulad ng langit na kay sarap marating
  • Ang bawat tibok ng puso, kay sarap damhin
  • Tulad ng himig na kay sarap awitin.
  • Ako ay nagulat at ang paningin ay tulala
  • Nang bigla kang dumating
  • Tuluyang tumulo ang aking luha
  • Ika’y hinatid nila sa akin
  • Kasama ng sulat mong aking ipinasa
  • Nung ika’y nasa aking harapan
  • Parang leeg ko’y nakakadena
  • Sa iyong sulat sinabe mo na
  • Mahal na mahal kita aking asawa
  • Pati na ang dalawang mga bata
  • Sila ay busugin mo sa alaga
  • Kung sakali man ako’y ‘di palarin
  • At maging buhay ko ay bawiin
  • Laban sa rebeldeng kapwa pinoy
  • Digmaan dito ay umaapoy
  • Lagi mo lamang na tatandaan
  • Pag – ibig ko sa’yo ay walang hanggan
  • Dadalhin hanggang sa kalangitan
  • ‘wag malungkot at ikaw ay maging matapang
  • At dapat handa ka sa hamon ng buhay
  • Nandito lang ako at nakapatnubay
  • Lamang at ang tangi kong mga hiling
  • Pangako ko lagi kang mamahalin
  • ‘yan ang iyong liham na aking nabasa
  • Sundalo ng buhay ko mahal kita
  • Pag – ibig ko sayo’y walang kapalit
  • Nagn nagbalik ka ay napakasakit
  • Ika’y umalis sa aming nakatayo pa
  • Bumalik ka bakit nakahiga na
  • Nakabalot sa kumot na puti
  • Damang- dama ko ang sakit at hapdi
  • REFRAIN 3:
  • At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling
  • Luhang pag – ibig kay sarap haplusin
  • Tulad ng tubig sa batis, hinahagkan ng hangin
  • Pag – ibig ang ilaw ilaw sa buhay natin
  • Tinatanong ko ang aking sarili
  • Bakit sa akin pa ito nangyari?
  • Lumuluha ang aking damdamin
  • Nang ako ay iyong lisanin
  • Ngunit pagkakataon para
  • Ikaw ay aking mahawakan
  • At habang hawak ko ang iyong kamay
  • Awitin ang himig nang magkasabay
  • REFRAIN 4:
  • Tulad ng ibong malaya ang pag – ibig natin
  • Katulad din ng langit na kay sarap marating
  • Ang bawat tibok ng puso, kay sarap damhin
  • Tulad ng himig ng pag – ibig natin…

  • Report error in lyric




    The Himig Ng Pag-ibig (feat.Lolita) lyrics by Pio is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Pio Himig Ng Pag-ibig (feat.Lolita) Lyrics