A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   P   »   Pipay Lyrics   »   Simbahan Lyrics

Pipay - Simbahan Lyrics

Font:      
Align:    
  • Chorus:
  • Ramdam ang sakit, sa aking pagbalik
  • Ito ba ang kapalit ng aking pamamaalam
  • Ang mga pangako mo na sa aking paglipad
  • Ngunit may isa pang bagay na kailanmay di na matutupad
  • I
  • Pagmamahalan natin tila napakagandang liwanag
  • Saksi lahat pati ang Diyos sa di mapaliwanag
  • Na pag-iibigan na umabot ng ilang taon
  • Sa relasyon natin ako ay lagi lang nakatuon
  • Hanggang sa dumating sa kin ang isang pagkakataon
  • Upang maisakatuparan ang pangarap ko ngayon
  • Pangarap ko sayo na pipilitin ko na matupad
  • Mabigyan ng magandang buhay mula saking paglipad
  • Sa ibang bansa at don makikipagsapalaran
  • Upang sa aking pagbalik ikaw ay mapakasalan
  • Iyo lang pakatatagan ang sarili mo mahal
  • Tatlong taon ako doon yon ay napakatagal
  • Para sa akin at sa iyo kaya ramdam ngayon pa lang
  • Ang kalungkutan, kaya ngayon bago ko magpaalam
  • Pupuntahan kita sa paborito natin na simbahan
  • At sa aking pagbalik ay doon ka pakakasalan
  • Chorus:
  • Ramdam ang sakit, sa aking pagbalik
  • Ito ba ang kapalit ng aking pamamaalam
  • Ang mga pangako mo na sa aking paglipad
  • Ngunit may isa pang bagay na kailanmay di na matutupad
  • I I
  • Hanggang sa dumating ang araw ng aking pag-alis
  • Dala koy kalungkutan sa aking puso at pagtitiis
  • Di na mabilang ang mga luhang pumatak sa king panyo
  • Habang akoy namamaalam sa iyo ng palayo
  • Alam kong masakit sayo pero sanay tandaan
  • Na aking pag-alis di ba ay para sa atin din naman
  • Itoy kailangan kong gawin kahit sa iyoy mangungulila
  • Ang katulad ko upang akin lamang maipakita
  • Sa iyo na kaya kong gawin lahat para sayo
  • Upang lahat ay makamtan mula sa ating bawat pangako
  • Sa isat isa at tanging sa iyoy nanabik
  • Dala ko ang bawat pangako mahal sa aking pagbalik
  • Dalawang taon ang makalipas buwan na lang ang bibilangin
  • Akoy babalik na rin upang ikaw ay surpresahin
  • Tayoy muling magkikita at mahahagkan muli
  • Ang tulad mo kaya hintayin mo ang aking pag-uwi
  • Chorus:
  • Ramdam ang sakit, sa aking pagbalik
  • Ito ba ang kapalit ng aking pamamaalam
  • Ang mga pangako mo na sa aking paglipad
  • Ngunit may isa pang bagay na kailanmay di na matutupad
  • III
  • Ilang taon na rin ang naglipas
  • Sa wakas balik na ng Pinas
  • Makikita ko na rin, aking mahal
  • At surpresang yayain ko syang pakasal
  • Sa eroplano akoy nanabik
  • Siya kaya nanabik sa aking pagbabalik
  • Ah basta akoy handang-handa na
  • Siya ay pakasalan at aking maging asawa
  • At pagdating sa aming lugar ay naisipan kong sumilip
  • Sa simbahan kung saan kami laging nanaginip
  • Na kamiy ikakasal ngayon matutupad na to
  • Ako ay nagdasal at nagpasalamat din ako
  • Ngunit mayroong kinakasal sino kaya yung nakabelo
  • Pag-angat ng belo niya ang puso koy parang nagyelo
  • Siya pala yung minahal ko, ang dating kasintahan
  • Kinakasal na siya sa paborito kong simbahan
  • Chorus:
  • Ramdam ang sakit, sa aking pagbalik
  • Ito ba ang kapalit ng aking pamamaalam
  • Ang mga pangako mo na sa aking paglipad
  • Ngunit may isa pang bagay na kailanmay din a matutupad
  • Chorus:
  • Ramdam ang sakit, sa aking pagbalik
  • Ito ba ang kapalit ng aking pamamaalam
  • Ang mga pangako mo na sa aking paglipad
  • Ngunit may isa pang bagay na kailanmay din a matutupad

  • Report error in lyric




    Latest Pipay Lyrics

    The Simbahan lyrics by Pipay is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Pipay Simbahan Lyrics