A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   Q   »   Quip Lyrics   »   Puwing Lyrics

Quip - Puwing Lyrics

Font:      
Align:    
  • [Verse 1]
  • Kumusta ka na?
  • Pati mga magulang mo kumusta sila?
  • Kumusta na ang lolo’t lola mo’t mga kapatid
  • Kumusta ang mga pangarap wag ka sanang maiinip, kahit
  • Puro tanong walang sagot, parang sakit na walang gamot
  • Madaling manimula ang mahirap ay magtapos
  • Kaibigan kasama sa kwento at sa pikunan,
  • Inuman at kalokohan, lugaw puto at gulaman ngunit
  • Minsan ang ugnayan ay napapalitan
  • Buhat ng selos at kung ano anong dahilan
  • Tiwala, pera’t babae ay kinaiingitan
  • Sekereto’y babalikan hanggang magkasiraan
  • Madilim man at malabo layuning di sigurado
  • Trabaho mong mamuno magturo’t maging Piloto
  • Gumalaw nang pusitibo hubugin ang pagkatao
  • Di na kailangan ng tulog kung saan tayo patungo dahil
  • [Chorus]
  • Liwanag, ako ay napupuwing
  • Kahit ngayon ay di na makaidlip
  • [Verse 2]
  • ‘Di makapag-aklas sa batas na may butas
  • Bigkas pa ng bigas baka kulangin yan pangbukas
  • Buktot bulong ng ahas pumitas ka ng mansanas
  • Aaatras ang alas kapag hinabol ka ng malas
  • Hinangin ang kawayan ng mga bumabatikos
  • Haranahin ng kundiman, kung ‘di ‘man ay magtutuos
  • Sino ang may sala? Yung’di ba pinagpala
  • Kaya naman pala, di nagdala ng pala.
  • Wag mawawala, maghukay ka ng bangkay
  • Gamit ang iyong kamay, ika’y magagamay
  • Madadama’y patay, hindi buhay, biglang nahati ang tulay
  • Biray na pang sakay, nagdalumpasay sa pasay
  • Manok nakilahok, kukong lusok, nasulok,
  • Lumiyok, tumilaok, antay nang onti, masa’y lililok
  • Tatsulok na nalunok, kaya bumilaok
  • Sistema na bulok pag may kaya, makakapasok
  • Liwanag, ako ay napupuwing
  • Kahit ngayon ay di na makaidlip
  • [Chorus]
  • Liwanag, ako ay napupuwing
  • Kahit ngayon ay di na makaidlip

  • Report error in lyric




    The Puwing lyrics by Quip is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Quip Puwing Lyrics