A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   S   »   Schizophrenia Lyrics   »   P.S.T. Lyrics

Schizophrenia - P.S.T. Lyrics

Font:      
Align:    
  • Verse 1: Harlem]
  • Utak ko'y may pilay tawag sakin ay "bali"
  • Isang baso tinta mo, ganun ba sakin ay balde
  • Ay mali, isang tangke na dumadayo pa sa gyera
  • Bigatin ang bagsak kahit ang kambyo pangprimera,
  • Ako'y karayom beat ang tela letra ko mga sinulid,
  • binuo mga pinunit, dinugtong mga ginuhit
  • na mga salitang tatatak limutin man ito,
  • Di kinaya ng papel kaya inukit sa bato
  • na binuga, di mo alam ano pang kaya kong gawen
  • Ako ang may saltik sa ulong di mo kayang gamutin,
  • Kahit na magtawag pa ng limang spesyalista,
  • makakatikim ka ng "balibag de batista"
  • Sasamain ka, wag na tangkain na
  • iyong banggain ang bihasa na sa tinta,
  • Wag ka ng sumulat mag-iba ka ng linya
  • MENOR pa lang iwan ka na agwat, ilang milya..
  • [Verse 2: Juantamad]
  • Higpitan ang paghawak sa mic, ng kanang kamay bago bilisan nang,
  • maipakita sa gustong sumabay ang taglay ko na kalupitan,
  • Sa mga salitang, pinalitan nang, higit sa walong pangungusap,
  • Ikinagulat ng mga hinayupak ang barra ko na mala-Tupac,
  • Sa gigil ay di ko mapigil tapakan ng madiin ang silinyador,
  • Aabutan mo pa kaya kung ang ikot ng gulong ay para bang bentilador,
  • Dahilan para maglikha..
  • Ng hanging buhawing magtataboy sa kung sinumang humarang sa gitna,
  • Ang krimen na inabot ng buhay naging kritikal karumal-dumal,
  • Na parang tinakot ng mga tunay na kriminal umaatungal,
  • Sa galit dahil di magaya siguro mahirap ngang kabisahin,
  • Magpaturo ka ng maaga kaso gabi na "Amoy araw ka pa rin!"
  • Sa kakaiba ko na tunog, Sira, ang entablado ay durog,
  • Sa mala-Manny Pac kung sumuntok, Siguradong kalaban ay durog,
  • Giba ang luma't istilong bulok ay resulta ng pagkabigo,
  • Nabasag labas ang bungo pare kahit SEGUNDA pa lang ang takbo.
  • [Verse 3: Smugglaz]
  • Sumakay ka sakin para malaman mo na kung saan nga ba talaga ito papunta,
  • Makina ko na gigil di ko na pinababatid nang di na lumiligoy,
  • Mga kalooban namin na isina-musika madulas at malutong na ipinadaloy,
  • Sa pamamagitan ng dila na walang habag na pinapalagapak sa ngala-ngala,
  • Tunog na ganto ay hindi mo makukuha yun ay kung tanga-tanga ka,
  • Kaya wag ng sumabat at manahimik ka na lang kung ang nalalaman mo ay kakarampot,
  • Mga sulat ay malalim pero di mo mapaliwanag kung saan-saan pinagdadadampot,
  • Napakadami ng mga tiniis ko para lang maging kakaibing lirisismo,
  • Hanggang sa di ko na namalayan na ang layo na ng binilis ko,
  • Sa mga pagkakataon na ganito ay wala namang diperensya sa matulin ang bibig,
  • Kung ikaw ay desidido talaga na umunuwa ay marapat lang na ikaw ay matuling makinig,
  • Magkakatabi lahat ng mga pangungusap nakalutang sa lakas na di makontrol,
  • Pina "haging", paatake, pasugod ng aking dila na may tabas na hindi natututunang pumurol...
  • Saking pagkatao'y nanaig ang pagnanasa na ako ay manatiling ganito,
  • Patuloy na mananagasa sa matuling pagragasa kung saan ay ako'y nakasalo bilang ika-Pito,
  • Naging isa sa pinaka malulupit, bilang Sumpa ng Shockra,
  • Lahat naiwan ng dilat yan ang panganib ng TIRSERA..

  • Report error in lyric




    The P.S.T. lyrics by Schizophrenia is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Schizophrenia P.S.T. Lyrics